Mga Salawikain
1.
Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.
2.
Ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan ay nadadala sa pagtanda.
3.
Ang kaginhawaan sa kasiyahan matatagpuan at ‘di sa kasaganaan
4.
Ang umaayaw ay hindi nananalo, ang nananalo ay hindi umaayaw.
5. Ang buhay ay parang gulong – minsan nasa ibabaw, minsan rin nasa ilalim.
Mga Sawikain
1.
Kabiyak ng Dibdib = Asawa
Sa bayan nagtratrabaho ang kabiyak ng dibdib ni Aling Myrna
2.
Butas ang bulsa = Walang pera
Maraming bayarin sa bahay nila kaya butas ang bulsa ni Kiko ngayon.
3.
Lantang Gulay = Sobrang pagod
Parang lantang gulay
ang inay noong dumating siya sa bahay galing sa pag-
lalabada.
4.
Nagsusunog ng Kilay = Masipag mag-aral
Araw-araw ay nagsusunog ng kilay ang batang si Jaime.
5.
Pag-iisang Dibdib = Kasal
Malapit na ang pag-iisang dibdib nina Carlos at Gina kaya abala na sila sa paghahanda ngayon.
Mga Kasabihan
1.
Kapag makitid ang kumot, matuto kang mamaluktot.
Kapag mahirap ang buhay, matuto kang pagtiyagaan ang sitwasyon.
2.
Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.
Kapag mabuti ang iyong kalooban, tiyak na ikaw ay pagkakalooban ng masaganang pamumuhay.
3.
Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.
Lahat ng daan patungo sa tagumpay ay may kaakibat na kahirapan na kailangang lampasan.
4.
Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan.
Nasusukat ang pagkakaibigan hindi lang sa ligaya kung hindi ay pati sa kalungkutan.
5.
Kapag may isinuksok, may madudukot.
Kapag ikaw ay may itinira o itinabi, halimbawa ay
pera, sa panahon ng kagipitan ikaw ay may magagamit.
No comments:
Post a Comment