Para Maunawaan, isalin sa wikang inyong maintindihan:

Ang Alamat ng Ibong Adarna

                                                                     IBONG ADARNA

 Ang Ibong Adarna ay isang koridong Tagalog na isinulat ng hindi kilalang may-akda. Ang buong pamagat nito ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana sa kahariang Berbania. Walang tiyak na petsa ang tula. Halaw ito sa isang lumang Europeong alamat.

Ang Ibong Adarna ay isang halimbawa ng korido. Ang korido ay tulang pasalaysay na ang bawat taludtod ay may sukat at tugma. Akda ito na umiikot sa pananampalataya, alamat at kababalaghan. Ang sukat nito ay aapating taludtod bawat saknong at wawaluhing pantig bawat taludtod. Isahan ang tugma nito. Ito ay isang uri ng tulasinta (metrical romance). Binubuo ito ng 1,056 saknong. Ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay maaaring hango sa mga kwentong-bayan ng iba't ibang bansa, tulad ng Alemanya, Denmark, Romania, Austria, Finland, Indonesia at iba pa. Sinasabing ang may-akda nito ay si Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la Cruz. Sa ngayon ay pinag-aaralan ito ng mga estudyanteng nasa ika-pitong baitang sa sekundarya alunsunod sa kurikulum ng Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon (CHED)

ANG KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA

Masayang namumuhay ang mga tao sa kaharian ng Berbanya hanggang sa nagkaroon ng malalang sakit ang Hari na si Don Fernando. Ito ay dahil nakita niya ang bunsong anak na pinatay ng dalawang buhong at inihulog ito sa malalim na balon.

Inutusan ng hari ang panganay na si Don Pedro ngunit ito ay hindi na nakabalik. Inutusan naman niya ang pangalawang anak na si Don Diego ngunit ito rin ay nabigo rin. Masakit man sa loob ngunit iminungkahi ni Don Juan na siya nalang ang hahanap sa ibong adarna.

Tinulungan si Don Juan ng isang ermitanyo kaya naligtas nito ang dalawang kapatid. Naiingit si Don Pedro kung kaya’t pinagtaksilan nila si Don Juan, binugbog nila ito at iniwang nakahandusay sa gitna ng daan pagkatapos ay umuwi na sila tangan ang ibong adarna.

Tinulungang muli ng ermitanyo si Don Juan kaya ito ay nakabalik sa Berbanya. Nalaman ng Hari ang pagtatagksil na ginawa ng dalawa ngunit inihingi ito ng tawad ni Don Juan kaya ito’y agad ding pinatawad.

Lumaon ay nawili ang hari sa ibon at sa takot na makawala ito, ang tatlo niyang anak ang pinagbantay niya dito. Gumawa na naman ng kataksilan ang dalawa, pinalaya nila ang ibong adarna. Sa pag-aakalang si Don Juan ang may kasalanan sa pagkawala nito, siya ay lumayo upang takasan ang kasalanag ginawa. Napadpad ang prinsipe sa Armenya at doon naman ay sinundan siya ng dalawa niyang kapatid. Natuklasan ng tatlo ang isang mahiwagang balon at si Don Juan lamang ang matapang na nakababa rito.

Doon niya nakilala sina Donya Juana at Prinsesa Leonora. Dito rin ay ginapi ng prinsipe ang higante at ang serpyente. Tinakas ni Don Juan ang dalawang prinsesa.

Nang makalabas na ang tatlo, naalala ni Prinsesa Leonora na naiwan ang kanyang dyamanteng singsing kung kaya’t binalikan ito ni Don Juan. Ngunit noong nakababa na sa balon si Don Juan ay pinutol ni Don Pedro ang lubid kaya ito ay nahulog. Pinatulungan ni Prinsesa Leonora sa kanyang oso si Don Juan. Habang pabalik na ng Berbanya ni Don Juan ay muli niyang nakita ang Ibong adarna. Sinambit ng ibon na pumunta ito sa Reyno de los Cristales. Tinulungan ang prinsipe ng ermitanyo upang makarating sa nasabing kaharian at doon nakilala si Maria Blanca. Upang masungkit ang pag-ibig nito, dumaan siya sa sunud-sunod na pagsubok at sa huli ay nabigo pa rin ito kaya naisipan ng dalawa na tumakas nalang. 

Sa labis na galit sinumpa ng Hari si Maria Blanca na pagtataksilan siya ni Don Juan pagdating nito sa Berbanya. Natupad na ang sumpa ni Haring Salermo at nakatakda nang ikasal si Don Juan at Prinsesa Leonora. Ngunit ito ay hindi matanggap ni Maria Blanca kung kaya’t ito ay nagpanggap biglang isang emperatris upang ipaalala kay Don Juan ang kanilang pag-iibigan. Nahirapan man ngunit nakamit ni Maria Blanca ang kanyang nais. Doon di’y nalaman ng Hari ang muling pagtataksil ng dalawang prinsipe ngunit muli na namang inihingi ng tawad ni Don Juan kaya agad na pinatawad.

Si Don Pedro at Prinsesa Leonora na ang itinalaga biglang hari at reyna sa kaharian ng Berbanya habang si Don Juan at Maria Blanca naman ay ang bagong hari at reyna ng Reyno de los Cristales.

MGA TAUHAN:










No comments:

Post a Comment

"Money is the eyes of many but in the hands of few"

The Science of Getting Rich; How Millionaires Think, Act and Behave

Have you ever wondered what it takes to become a millionaire? Do millionaires have an unwritten set of beliefs, values, and ways of thinking...

Popular Post