Ang edukasyon ay ang pinakamakapangyarihang sandata upang makamit ang minimithing kaginhawaan sa buhay; na kahit sinuman ay walang kakayahang baguhin at angkinin ito, sapagkat ito ay permanenteng nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao ng isang nabubuhay. Lahat naman siguro tayo ay dumaan sa pagiging mag-aaral at sigurado akong may isang natatanging karanasan ang lahat ng mag-aaral na hindi makakalimutan, dahil siguro ito'y isang masayang alaala at naging aral sa ating buhay. Ako ay may isang natatanging karanasan na hinding hindi ko makakalimutan
Tinutulungan ko ang aking mga kaibigang mag-aaral sa mga pasulit namin na may malagay sila sa mga sagot sa kani-kanilang mga papel. Hindi sa pinagyayabang ko na ako ay matalino, exempted ako sa lahat nga asignatura namin noong ako ay nasa ika-apat na taon ng mataas na paaralan namin doon sa probinsya. Isang araw, pinapalabas ako sa klase ng aming butihing guro dahil hindi ako kasali sa pasulit... Natatakot at gulat na gulat ako, kung bakit ganun.. Sabay sabi nya na "Hindi ka kasali sa exam dahil mataas na grades mo, kung sino ang pinakamataas na may marka dito sa pasulit na ito ay sya rin ang iyong marka... Dahil sa masunurin ako, sinunod ko yong utos ng aming guro... Sa ganong sitwasyong nasa labas ako, naaawa ako sa aking mga kaibigan, di ko man lang sila mapapakopya sa aking mga sagot sa pasulit na ito... Habang ako ay nasa labas, di ko maanlintana na tumiting sa silid aralan kung saan nandoon sila kumukuha ng pasulit. Ang aking pinsan na nandoon sa loob ay gumawa ng senyales na para bang nangangailangan sya ng tulong... kaya dumidistansya ako ng kunti at tinungo yong isang puno na malapit sa CR. di kinalaunan lumabas ang aking pinsan na nag-alibi sya sa aming guro na mag-cCR muna... doon nya inabot sa akin ang kanyan sulat kamay na mga tanong sa pasulit na iyon... di kalayuan sa silid aralan mayroon punong kahoy, doon ko isa isang binigyan ng sagot ang bawat tanong at sulosyon sa matematika... pagkatapos ng 2-3 minuto natapos kong sagutan ang mga tanong.. isa namang kamag-aral namin ang kukuha sa aking sinasagutang papel para nawa'y kanilang mapakinabangan lahat. Para sa kaalaman ng lahat, ang aking tinutulungan ay ang aking mga pinsan at mga kabarkada na minsan ng nagbabalik aral, inaabot na ng dalawang taon bawat antas ng mataas na paaralan at ang aking mga kaibigan.
Biruin mo sila ngayon, yong mga kamag-aral ko dati may mga sarili ng trabaho, may sundalo na, kaso namatay sya sa ambush, mayroon napagtapos na kursong edukasyon, may mga businessman/woman at yong iba nakapagtrabaho na sa abroad.
Sabay naming tinatapos ang Mataas na Paaralan ng may pagtutulongan, pag-uunawaan at may pagmamalasakit sa isa't isa.
Ang aking pagtulong ay walang kapalit na kung ano pa man....
Masaya ako sa aking ginagawa....
No comments:
Post a Comment