KARUNUNGAN SA BUHAY
“Karunungang-bayan sa atin ay pamana,
Pahalagahan at ingatan sa puso tuwina.”
Sa buhay ng tao ay may mga karanasan
Na kailangang iwasan at dapat ayusin
Tamang tandaan, at sa tuwina’y pakaisipin
Mahalagang ingatan tulad ng kayamanan.
Iwasan nang hindi maging anak-dalita:
Pag nagtanim ng hangin
Bagyo ang aanihin.
Ubos-ubos na biyaya
Bukas nakatunganga
Gawin upang tumanaw ng utang na loob:
Ang lumakad nang matulin
Kung matinik ay malalim
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Di makararating sa paroroonan.
Pakaisipin upang maging malawak ang isip:
Sa anumang lalakarin
Makapito munang isipin.
Nasa Diyos ang awa
Nasa tao ang gawa
Tandaan upang maging buo ang loob:
Kung hindi ukol
Hindi bubukol
Kung ano ang bukam-bibig
Siyang laman ng dibdib
Ingatan upang hind imaging pasang-krus:
Anak na di paluhain
Ina ang patatangasin
Ang kalusugan
Ay kayamanan
Tularan nang maging matalas ang isip:
Daig ng maagap
Ang masipag
Lakas ng katawan
Daig ng paraan
Pagpapahayag sa talatang ito.
Ni Joel E. Maturan
Ang nangyayari sa Buhay o karanasan ng tao na kailangang iwasan ay yong mga bagay na nagpahamak sa atin sa hinaharap, dapat tayo maging masipag at matiyaga sa ngayon ng sa ganon ay maging matiwasay ang ating buhay, magsisikap ng mabuti para sa ikauunlad ng ating buhay. Ayusin at dapat gawin ay may malasakit sa kapwa natin, pagtanaw ng utang na loob at pagpapahalaga sa kanila. Ang Tamang tandaan ay maging tapat sa ating mga salita at sa gawa. Sa tuwina’y pakaisipin huwag palaging minamadali ang desisyon. Ingatan ang ating sariling pagkatao na hindi maging pasaway at lalong hindi maging pasang krus ng ating mga magulang. Tularan natin ang isang maagap at may malasakit.
Dapat nating gawin ang nabanggit sa unang tanong para sa ganoon ay maihubog natin ng tama ang ating sarili. Sang-ayon ako dito na mangyayari sa ating buhay ang maging marupok, mahirap at salot sa lipunan tayo kung hindi natin maisasabuhay ang mga binanggit sa unahan.
Sang-ayon ako sa pamagat na ito. Dahil sa karunongan ito maihuhubog natin ang ating buhay ng maayos at maging huwaran tayo sa ating mga mahal sa buhay at kumonidad.
Ang mga nagawa ko na ay ang pagiging may malasakit sa kapwa at pagtanaw ng utang na loob sa aking mga magulang at mga kaibigan. Ang hindi ko pa nagawa ay ang ibayong pag-iisip sa mga desisyon kasi nadadala ako sa pagiging bata sa mga kagustuhan masunod ang aking layaw.
Ang karunungan ng buhay basi sa aking nalalaman ay ang pangyayari sa aking buhay bilang bata na ang naisip lang ay laro at layaw. Hindi sayangin ang oras sa laro, pahalagahan ang bawat oras na kasama ang mga minahal sa buhay.
Oo, ang karunungan ng buhay ay isang kayamanan na kalian may walang makakaagaw sa atin nyan. Kung maayos na naihubog natin an gating mga buhay ay punong-puno tayo nga biyaya at magmamahal, isang kayamanan na yong para sa akin.
Isinasabuhay ko ang mga ito ng sa ganoon ay paglaki ko magiging huwaran ako ng aking kapwa tao at makakatulong ako sa aking pamilya.
Mapapahalagahan ko ang mga payo ng nakatatanda sa akin sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga ito…Pakaisipan at susundin ang mga karunungan sa buhay.
Dalhin hangin iyong palagi ginagawa ay sinasabuhay kay malakas din na hangin sa kinalaunan ang darating sa iyong buhay. Sa ating buhay kung maagap at masipag tayo, ito yong tinatanim natin ngayon, pagsisikap sa pag-aaral dahil paglipas ng panahon, gaGraduate tayo ng kolehiyo, makapagtrabaho tayo ng maayos ang sweldo. Makakaranas tayo ng matiwasay na pamumuhay sa hinaharap.
Lahat ng biyaya sa buhay ay mga katapusan kaya pangalagaan natin ito ng hindi mauubos dahil kung hindi natin papahalagahan at alagaan maghihirap tayo at sa kalsada tayo pupulutin dahil wala na man tayong magaga, walang-wala na, kung saan-saan nalang humihingi nga tulong at kabuhayan. Kaya hindi lang dapat natin iingitan kundi papalaguin pa natin ang mga bagay na mayroon tayo ngayon.
Ang paglalakad ng matulin ay hindi mo na alintana ang dinadanan, kaya di mo makita ang mga matulis na bagay sa daan.. Sa ating buhay, hindi dapat tayo padalos-dalos ng desisyon at minamadali yong pagkamit ng kasaganahan….Dapat ay dumaan tayo sa tamang daan, ibayong pag-iingat sa paglalakad, pinag-isipan ang lahat ng mga gawin at maging mahinahon tayo sa ating sarili nga sa ganoon ay makapagpasya tayo nga tama at maiiwasan natin ang kapalpakan at karihapan sa hinaharap.
Ang kalusugan ay kayamanan dahil kung malusog tayo eh an gating mga kayamanan tulad ng pera ay naririto palagi sa atin, kung baga di natin magasta yong kung anong meron tayo… Kung hindi naman tayo malusog, maraming sakit at malalang sakit sa ating sarili kung kaya, gamut dito, gamut dyan, daming gamut na iniinom, pagamutan sa ospital halos maubos mo na kung anong meron ka mapagamot lang ang iyong sarili. Kaya ang pagiging malusog ay isang kayamanan na wala makakaagaw sa iyo.
Ang bukambibig siyang laman ng dibdib dahil ang iyong dibdib ay punong-puno na sa lamang ito kaya umaapaw na sa iyong bibig. Tulad ng pag-ibig yan, hindi mo akalain na iibigin mo ang taong palagi mong nilalait-lait. Kaya pag-isipan ang ilalabas sa ating mga bibig.
Sa maraming pagkakataon sa buhay ng tao, napatunayan natin ang katotohanan sa kasabihang ito. Maraming anak ang labis na binigyan ng layaw ng magulang at hindi nabigyan ng wastong pagdisiplina nang sila'y mga bata pa. Katulad ng damong hinayaang lumago, ang mga batang ito'y lumaki na suwail kaya't pawang dusa, luha, at pasakit ang isinukli nila sa mga magulang. Sila ay naging bunga ng maling pagmamahal -- pagmamahal na mapagpalayaw, maluwag, at walang itinurong disiplina. Kaya't lumuha man ang mga magulang ay huli na.
Dapat mapahalagahan ng mga kabataan ang karunungang-bayan dahil ito ay tunay na nararanasan ng ating mga nakakatanda. Nagawa nila ang katagang iyon dahil sila mismo ay nakakaranas yan. Kung kaya gusto nilang mapaabot sa atin ang kanilang mga nararanasan para maging makapaghanda tayo at makakaiwas sa di kaaya-ayang pagyayari sa buhay. Ang kanilang mga akda ay malaking tulong sa ating mga kabataan para mas lubos nating maiintindihan ang tunay na kahulugan ng buhay. Galing sa pagiging Magalang, Masipag, maagap at maging mahinahon sa pagpasya hangang sa magtatagumpay tayong mga kabataan at makamit ang buhay na gusto natin para sa kinabukasan ng ating sarili, ng ating pamilya at makakatulong tayo sa kapwa natin.
Ang karunungang-bayan ay nagsisilbing gabay nating mga kabaatan para matiwasay na maihuhubog natin ang ating buhay sa tamang landas patungo sa hinahangad nating tagumpay. Pagdating ng panahong tumanda din tayo, may maipapalabas ding tayong kataga kung ano ang nararanasan natin para maipapaabot din natin sa mga kabataan sa hinaharap kung anong nangyayari sa atin ngayon.
Sa pagtanda natin, maituturo natin sa mga kabataan ay kung ano ang ginawa natin na nagtatagumpay tayo at ug kung ano din ang gagawin nila para maiwasan ang pagkabigo makamtan ang tagumpay sa buhay.
No comments:
Post a Comment