Liham para sa Hari ng Espanya


Ika-17 ng Hunyo,  2021

 

Mahal na Hari ng Espanya,

 

Nais ko pong maiparating sa inyong kinauukulan ang tunay na pamamahala ng iyong nasasakupang bansang Pilipinas. Dahil sa mga patakaran at pagbabagong ipinatupad ng inyong mga tauhan sa Pilipinas, umani ito ng ibat-ibang pagtuligsa mula sa mga katutubo. Ilan sa mga tinugunang isyu ng mga Pilipino ay ang baluktot na sistema ng monopolyo, sapilitang paggawa, diskriminasyon sa lipunan at malupit na pamamalakad ng mga prayle at ng mga pinuno dito. Ang hindi makatarungang pamumuno na ito ay humantong sa tahasang pagtutol ng mga Pilipino. Kaya naman gumawa sila ng mga pag-aalsa laban sa mga pamahalaan upang mapaalis ang mga ito sa bansa at makamit ng mga Pilipino ang ninanais na kalayaan at karapatang pangtao. Ngunit sa mga pag-aalsang ginawa ng mga katutubo ay maraming bises silang nabigo. Sadyang napakalupit po sa mga namamalakad dito.

 

Inaasahan ko po ang iyong pagtugon sa pangyayaring ito. Salamat.

 

 

Lubos na Gumagalang,

 

No comments:

Post a Comment

Popular Post